IKA-9 NA AUSSIE OPEN TITLE NASIKWAT NI DJOKOVIC

Novak Djokovic

NAKOPO ni Serbian tennis superstar Novak Djokovic ang kanyang ika-9 na Australian Open title nang pataubin si Russian opponent Medvedev, 7-5, 6-2, 6-2, sa finals sa Melbourne’s Rod Laver Arena, na tumagal ng isang oras at 53 minuto.

“@DjokerNole does it again,” sabi ng Australian Open sa Twitter.

Bago ang taong ito, si Djokovic, 33, ay nanalo ng Australian title noong 2008, 2011, 2012, 2013, 2015, 2016, 2019, at 2020.

Ito ang kanyang ika-18 Grand Slam title sa kabuuan, kung saan lumapit siya sa records nina Spain’s Rafael Nadal at Swiss Roger Federer, na may tig-20 Grand Slam titles sa kanilang careers.

Naiuwi ni Djokovic ang championship trophy at premyong 2.75 million Australian dollars (USD2.16 million).

Tumanggap naman si Medvedev ng silver plate at 1.5 million Australian dollars. (Anadolu)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *