(Ikinasa ng DTI) LIVELIHOOD PROGRAMS SA DISPLACED WORKERS

DTI Sec Ramon Lopez

NAKAHANDA ang Department of Trade and Industry (DTI) na ayudahan ang mga Pilipino na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan ng ahensiya.

Sa Palace briefing kahapon, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na namamahagi ang ahensiya ng livelihood kits na nagka-kahalaga ng P5,000 hanggang P10,000 sa isang indibidwal para makapagsimula ng kanyang sariling negosyo.

Libre, aniya, ang naturang livelihood kits at hindi utang.

“We teach the nation to fish to feed them for a lifetime,” sabi pa ni Lopez.

Ayon kay Lopez, mahigit  50,000 livelihood kits na ang naipamahagi sa buong bansa.

Bukod sa livelihood kits, ipinatutupad pa rin ng DTI ang Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program, isang zero-interest loan para tulungan ang mga negosyo na maka-survive sa gitna ng pandemya. PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *