IKINULONG NA CHINESE NASAGIP

LAGUNA – NASAGIP ng mga kagawad ng Binan City PNP ang 36 anyos na binatang Chinese mula sa tatlong araw na pagkakulong sa Paseo de Manila St. Las Villas de Manila, Brgy. San Francisco, Biñan City.

Base sa isinumiteng ulat ni PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, kinilala ang biktimang si Li Jiqing at ang naarestong suspek na si Zhang Chen, 25-anyos, binata, at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat ni Martinez, dakong alas-8 ng gabi nitong Lunes nang madiskubre ng mga kasamahan ng biktima ang insidente at dumulog ito sa pulisya kasunod ang ikinasang rescue operation.

Nasagip ng mga operatiba ang biktima na nakatali ang mga kamay sa safehouse na pinagdalhan dito at hindi na nagawa pang makapalag ng suspek na sinasabi nito na may malaking pagkakautang ito sa kompanya kung kaya’t ikinulong.

Kasong Illegal Detention ang isinampang kaso ng pulisya laban sa suspek habang nakapiit ito sa Binan City PNP Detention Cell. DICK GARAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *