ILANG MALLS KULANG NG SAFETY PROTOCOLS – DTI

DTI-LOGO-3

NAKUKULANGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa safety protocols na ipinatutupad ng ilang malls sa Metro Manila habang naghahanda ang rehiyon sa posibleng paglipat sa general community quarantine (GCQ) matapos ang Mayo 31.

Binisita  ng mga opisyal  at tauhan ng ahensiya ang ilang malls noong Miyerkoles upang inspeksiyunin ang mga hakbang na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Kabilang dito ang “no quarantine pass and face mask, no entry policy’, pagkuha ng temperatura at physical distancing.

“Mayroon  pa silang mga kailangang gawin to make sure that they are ready by the time na mag-transition tayo into GCQ,” wika ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.

“’Yung markings nila sa floor, directional signs kailangang maayos. Nakita natin doon sa tatlong malls na napuntahan natin, hindi ganoon kadami ‘yung marshalls ng mall,” dagdag pa niya.

Nauna nang tiniyak ng mga mall na naghahanda na sila sa pagdagsa ng mga tao sa sandaling ipatupad ang GCQ sa Metro Manila.

“They need to do it fast, this week, kasi kung next week assuming na mag-transition tayo into GCQ, dadagsa lalo ang tao sa Metro Manila. Kailangan ready sila, tapusin nila lahat this week ‘yung mga protocols nila,” ani Castelo.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *