IMMUNITY-BOOSTING SMOOTHIES

STRAWBERRY MANGO SMOOTHIE

(ni CT SARIGUMBA)

NGAYONG mga panahon na usong-uso ang samu’t saring sa­kit, mahalagang napananatili na­ting malusog at malakas ang ating pangangatawan. Kung malakas ang ating resistensiya ay magkakaroon ang ating katawan ng panlaban sa mga sakit na nagkalat sa paligid.

Isa sa dapat na­ting siguraduhin upang maging malakas ang resistensiya ay ang pagpapahinga ng tama. Kumbaga, iwasan ang pagpupuyat. Sa tuwing nagkakaroon tayo ng maayos na tulog ay nakapagpo-produce ang ating katawan ng panlaban sa sakit. Kaya naman siguraduhing nakatutulog ng pitong oras nang maging malakas ang pangangatawan.

Bukod din sa maayos na tulog, mahalaga rin ang pagkain ng masusustansiya at ang regular na pag-eehersisyo. Iwasan na muna ang pagkain ng mga junk food.

Huwag ding kaliligtaang mag-relax at iwasang ma-stress. Madali nga namang dapuan ng sakit ang taong laging kumakaharap sa stress. Ang stress din kasi ang isang dahilan kung kaya’t nababawasan ang kakayahan ng immune system na labanan ang mga sakit na nagkalat sa paligid. At kung stress ka palagi, malaki ang tiyansa ng pagkakasakit.

Kaya naman, iwasang ma-stress. O kaya naman, gumawa ng pa­raan upang maibsan ang nadaramang stress.

Bukod din sa mga nabanggit, may mga smoothie rin tayong puwedeng subukan na makatutulong upang mapalakas ang ating resistensiya. Tamang-tama nga naman ang smoothies ngayong mainit ang panahon.

Kaya sa mga nag-iisip ng smothies na swak ihanda sa pamilya at nakatutulong para mapalakas ang resistensiya, narito ang ilan sa mga puwedeng subukan o maaaring gawin kahit na nasa bahay lang:

MANGO-TURMERIC SMOOTHIE

Isa sa masarap na kombinasyon ang mango at turmeric. Sa panahon nga naman ngayon ay marami na sa atin ang nahihilig sa pag-inom ng turmeric dahil sa benepisyong dulot nito sa kalusugan.

Nagtataglay ng anti-inflammatory properties ang turmeric kaya’t mainam ito sa may mga arthritis nang maibsan ang sintomas nito. Nakapagpapa-boost din ng immune system ang turmeric kaya’t tamang-tama ito sa mga panahong nauuso na naman ang pagkakaroon ng sakit. Bukod pa roon, nakapagpapababa rin ng cholesterol ang turmeric.

Samantalang ang mangga naman ay napakasarap. Nakapagpapa-boost din ito ng immunity, nakatutulong sa digestion, nakapagpapababa ng cholesterol at mainam sa kalusugan ng mata.

Sa kabuuan, ang mango-turmeric smoothie ay naglalaman ng vitamin C, vitamin A, Vitamin E, Fiber at antioxidants.

CARROT-GINGER SMOOTHIE

CARROT-GINGER SMOOTHIEBukod sa Mango-Turmeric Smoothie, isa pa sa masarap at puwedeng-puwedeng subukang ihanda sa pamilya nang lumakas ang resistensiya ay ang Carrot-Ginger Smoothie. Nagtataglay ito ng nutrients at immune boosting ingredients.

Bukod din sa ingredients nitong carrot at ginger, maaari rin itong samahan ng pineapple, lemon at banana nang mas maging swak sa panlasa ng kahit na sinong makatitikim.

STRAWBERRY MANGO SMOOTHIE

Kung nag-iisip ka naman ng smoothie na magugustuhan ng mga bata, mainam namang subukan ang Strawberry Mango Smoothie.

Alam na alam naman nating hilig na hilig ng mga bata ang mangga, gayundin ang strawberry kaya’t swak na swak ang dalawang prutas na ito upang makabuo ng katakamtakam na smoothie. Puwede rin itong samahan ng banana para mas maging malinamnam ang lasa. Para naman tumamis, lagyan ito ng honey.

Tiyak na maiibigan ito ng mga tsikiting.

PEANUT BUTTER AND BANANA OATMEAL SMOOTHIE

PEANUT BUTTER AND BANANA OATMEAL SMOOTHIEIsa pa sa hilig ng bagets ang peanut butter.

Para makabuo ng katakamtakam na smoothie, samahan lang ang peanut butter ng banana at oatmeal.

Para nga naman magkaroon ng energy at nutrients na kaila­ngan ng katawan, subukan ang Peanut Butter and banana Oatmeal Smoothie. Masarap na healthy pa.

Napakarami nga namang smoothie ang maaari nating subukan na makatutulong sa atin upang lumakas ang ­ating pangangatawan. kagaya na nga lang ng mga ibinahagi namin sa inyo. (photo credits: Google)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *