IMPROVEMENTS SA NLEX AT SCTEX KASADO NA

Magkape Muna Tayo Ulit

MAGBIGAY naman tayo ng magandang balita. Ito ay karugtong sa aking kolum noong nakaraang Martes tungkol sa ulat ng International Monetary Fund (IMF). Ayon sa IMF, ang pagpapatupad ng mga malala­king impraestruktura sa ilalim ng ‘Build Build Build’ ay susi sa paglago ng ating ekonomiya at pagbuti ng kabuha­yan ng mga Filipino.

Kaya naman maganda rin na talakayin natin ang anunsiyo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na naglatag sila ng mga proyekto upang pagbutihin at ayusin ang North Luzon Expressway (NLEX) at ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) para pag-ibayuhin ang magandang ka-ransan at magandang serbisyo sa mga moto­rista na gumagamit nito.

Ayon kay NLEX president at general manager Luigi Bautista, gagawa sila ng upgrade sa pamamagitan ng ka­ragdagang mga ilaw at mga maha-halagang road signs sa kahabaan ng NLEX at SCTEX. Ito ay para mas maging ligtas ang biyahe ng mga motorista.

Maglalagay ng ka­ragdagang 1,000 poste ng ilaw at 600 na mga bagong road signs upang makatulong sa malinaw na direksiyon at gabay sa mga paroroonan ng ating mga motorista.  Ang mga road signage ay ilalalagy sa magkabilang expressway na patungong timog at hilaga. Ang mga lumang road signage ay sadyang papalitan na rin at dadagdagan pa ang mga ito. Ang magandang balita pa rito ay mas malaki ang kanilang ipapalit na mga road signage upang mas madaling makapagbigay ng tawag pansin at mas malinaw na basahin. Si­yempre, ang lahat ng ito ay ‘reflectorized’ upang madaling makita kapag tinamaan ito ng ilaw ng mga sasakyan sa gabi. Planong makumpleto ang mga ito sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Samantala,  ang kahabaan ng NLEX sa gawing Balintawak hanggang Tabang Exit ay nakatakdang makumpleto ang pagpapalit ng 1,078 interchange at median na ilaw na gawa sa LED. Maganda ang naisip nila dahil marami nang mga residente ang nakatira sa mga lugar na ito na bumibiyahe pa­puntang Metro Manila at pauwi mula sa kanilang trabaho.

Matagal-tagal na rin ang mga kasalukuyang ilaw ng poste sa NLEX. Siguradong nabawasan na ang liwanag nito. Kaya naman kapag natapos ito, maaari na nating maihambing ito sa mga expressway sa mga prog­resibong bansa.

Sinabi pa ni Bautista na patuloy ang pagpapaganda ng kanilang serbisyo sa mga motoristang patuloy na tumatangkilik sa NLEX at SCTEX. Bukas daw kasi sila sa mga suhestiyon sa pamamagitan ng konsultasyon sa kanilang mga stakeholder at nagsasagawa sila ng regular na survey sa mga mo-to­rista na gumagamit ng kanilang expressway.

O, hindi ba magandang balita ito? Sakto pa ito sa pagpasok ng panahon ng tag-init kung saan karamihan sa ating mga kababayan ay luluwas sa norte sa mga panahon na ito.

Ang NLEX at SCTEX ay mga sangay ng MPTC na siyang tollways arm ng infrastructure conglomerate na Metro Pacific Investment Corporation (MPIC).

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *