INDAY SARA ‘DI TATAKBONG PRESIDENTE

Inday Sara is not running.

Ito ang mariing tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel nang himukin ang alkalde ng Davao City na tumakbong Pangulo ng bansa.

“Our request is to have continuity. There should be one in the administration who should continue all that you are doing, all the achievement. Because if there will be other president, all of those (policies) will be removed. How about us? There’s a need for continuity. So, there’s a need to encourage Inday Sara or Senator Bong Go,” sabi pa ni Pimental sa Pangulo.

Sa situation briefing noong Martes sa Tandag, Surigao del Sur sinabi ng Pangulo na naaawa siya sa kanyang anak lalo pa at iba ang takbo ng politika sa bansa.

Ayon sa Pangulo, nag-aalala siya na maaaring kababuyan lamang ang danasin ng kanyang anak kung tatakbo sa mas mataas na posisyon.

Tinukoy ng Pangulong Duterte si dating Senador Antonio Trillanes na aniya’y wala sa lugar ang pagbatikos.

Inihalimbawa ng Pangulo ang pagdawit ni Trillanes sa kanyang pamilya at maging ang kanyang 16-anyos na anak na Veronica na umano’y ginawang drug lord.

“Be careful of Trillanes. Magbantay kayo. They will sell — he will sell you to the devil pag ‘yan ang nakaupo, patay,” dagdag pa ng Pangulo sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng OCTA Research lumilitaw na si Sara ang top contender sa pagkapresidente at bise presidente sa darating na 2022 elections.

Tinatayang 22 percent ng mga respondent ang pabor na ang presidential daughter ang maging susunod na Pangulo ng bansa na sinundan ni Senador Grace Poe na may 13 percent; Senador Manny Pacquiao at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na may tig -12 percent ; Manila Mayor Isko Moreno may 11 percent; at Vice President Leni Robredo na may 5 percent.

Si Duterte-Carpio rin ang top choice para sa bise presidente na nakakuha ng 14 percent sa nabanggit na OCTA Research survey. EVELYN QUiROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *