INFLATION BABAGAL NA SIMULA HUNYO – NEDA

Secretary Ernesto Pernia

MAAARING tapos na ang pinakasukdulan pagdating sa mataas na presyo ng mga bilihin dahil inaasahang babagal na ang inflation simula ngayong Hunyo, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na ang inflation rate na 4.6 percent noong Mayo ay maaaring ang pinakamataas para sa taon.

“I don’t know (if inflation will be lower than 4.6 percent next month), but 4.6 percent at the most in the view of Central Bank could be the highest for the whole 2018,” wika ni Pernia.

Ayon kay Pernia, ang inflation ay pabagal na upang makamit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 2 hanggang 4 percent na inflation rate target para sa year.

Aniya, ang month-on-month inflation rate ay bumagal noong Mayo sa 0.1 percent lamang mula sa 0.2 percent noong Abril; 0.5 percent noong Marso; at 0.4 percent noong Pebrero.

“That’s what we’re seeing, nag-slowdown na acceleration. The rise in inflation has already slowed down,” sabi pa ni Pernia.

Noong Mayo, ang inflation ay may average na 4.6 percent, na ang pa­ngunahing dahilan ay ang mataas na presyo ng langis.

Sa joint statement na ipinalabas kamakailan ng NEDA, Department of Finance (DOF), at ng Department of Budget and Management (DBM), ang pagsipa ng presyo ng la­ngis ay nag-ambag ng 0.5 percentage points sa overall inflation rate noong Mayo 2018.

Ayon pa sa NEDA, DOF at DBM, ang iba pang external at domestic factors ay nakapag-ambag sa inflation rate ng  0.7 percentage points, habang ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay may 0.4 percentage points.  CAI ORDINARIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *