INILIKAS NA LOLO INATAKE

PATAY

ORIENTAL MINDORO-ISANG 78-anyos na lolo ang nasawi habang na sa proseso ng ginagawang evacuation bilang paghahanda sa nakaambang pananalasa ng bagyong Rolly sa bayan ng Bulalacao ng lalawigang ito kahapon.

Sa ulat ng local government unit ng Bulalacao, inatake sa puso ang biktimang si Aladino Alarcon sa gitna ng ginagawang paglilikas sa mga residente sa mga mababang lugar.

Ayon sa Bulalacao Public Information Office (PIO),  nasa labas ng isang simbahan at inaabangan ni  Alarcon na papasukin sila sa evacuation center matapos ilikas mula Sitio Tabuk ng Barangay Pob­lacion nang biglang dumaing ito ng paninikip ng dibdib at nahirapan itong huminga.

At nang bigla bumagsak ang biktima ay dali-dali itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ito ng attending physician. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *