(Interest, penalty ‘di sisingilin) 30-DAY RENT FREEZE

SEN GRACE POE

MATAPOS na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang batas ang “Bayanihan to Heal as One Act”, maaari nang ipatupad ang 30- araw na moratorium sa pagbabayad ng renta, pati na ng interest, penalty, fee at iba pang charges na ipinapataw sa mga nangungupahan.

Ayon kay Senadora Grace Poe,  isa ito sa mga itinulak niya na maisama sa  probisyon na pagkalooban ng cash subsidy ang may 18 milyong low-income families sa isinagawang special session noong Lunes.

“In pushing for this provision in the bill, we hope to ease the growing financial burden of the pandemic particularly on millions of poor Filipino households,” ani Poe.

Binigyang-diin ng senadora na malaki ang maitutulong ng rent freeze, lalo na sa mga maliit lamang ang kinikita kada buwan.

“Many renters live paycheck to paycheck but during these extraordinary times when they suddenly need to work or not at all, they might not have enough to pay for their rent and may even face the possibility of eviction,” aniya.

Sa  naturang batas, bibigyan ng kapangyarihan si Pangulong  Duterte na mag-realign ng national budget para mapabilis ang tugon ng gobyerno laban sa COVID-19  kung saan ang bawat mahihirap na pamilyang Filipino  ay pagkakalooban ng P5,000 hanggang P8,000 financial aid para sa dalawang buwan sa ilalim ng pinalawak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“One of the things we want to expedite is the downloading of help immediately but allocating goods is not as quick or as fast as downloading cash,” diin ni  Poe. VICKY CERVALES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *