ISA PANG UST PLAYER LUMIPAT SA UP

Bismarck Lina

ISA pang player ng University of Santo Tomas, sa katauhan ni Bismarck Lina, ang lumipat sa University of the Philippines.

Makakasama ni Lina sina dating  high school teammate at ex-UST cager CJ Cansino bilang miyembro ng Fighting Maroons.

Muli rin niyang makakasama sina national youth teammates Carl Tamayo, Gerry Abadiano, at  RC Calimag, na nauna nang nangakong maglalaro para sa Fighting Maroons.

Lahat sila ay eligible nang maglaro sa UAAP Season 84.

“Bismarck is going to be part of the Season 84 team,” wika ni UP head coach Bo Perasol. “A young man with great fighting attitude and potential.”

Si Lina ay ika-8 player na umalis sa UST kasunod ng kontrobersiyal na training ‘bubble’ sa Capuy, Sorsogon.

Si Cansino ay lumipat sa UP; sina Rhenz Abando, Brent Paraiso, at Bataller ay umanib sa Letran; habang si Jun Asuncion ay Mapúa.

Samantala, sina  Mark Nonoy at Deo Cuajao ay nasa De La Salle University na.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *