(Isinusulong sa Kongreso) UNEMPLOYMENT INSURANCE PALAWIGIN

Eduardo Gullas

HINIMOK ni Cebu Rep. Eduardo Gullas ang Kongreso na palakasin at palawigin ang kasalukuyang unemployment insurance cash payments na ibinibigay ng Social Security System (SSS).

Ito ay para matulungan ang mga manggagawa na natanggal sa trabaho dahil sa retrenchment o downsizing, at pag-sasara o pagtigil ng operasyon ng kanilang kompanya.

Giit ni Gullas, ang mga involuntarily separated worker na apektado ng COVID-19 ay posibleng abutin ng average na anim na buwan bago makahanap ng bagong trabaho.

Hiling ng kongresista sa gobyerno, gawing 6-month period ang unemployment insurance o cash assistance ng SSS sa mga laid-off worker mula sa naunang proposal sa Kamara na dalawang buwan lamang na cash support.

Sa isinusulong ng kongresista, makaka-avail ng cash assistance ng SSS ang mga natanggal na empleyado kung sila ay may 36 na buwan na hulog ng kanilang SSS contribution.

Bukod sa pagpapalawig sa unemployment insurance ay inirekomenda rin  ang pagbibigay ng one-time ’child support insurance’  sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho na may anak na 21 taong gulang pababa.

Nauna nang inihayag ng Department of Finance (DOF)  na ang SSS ay may P1.2 billion cash payments sa 60,000 na manggagawa pero ito ay mula lamang sa tourism sector.  CONDE BATAC

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *