ISKOLAR BINIGYAN NG ALLOWANCE

BINIGYAN na ng allowance ang mga academic scho­lars ng Navotas City para sa Marso hanggang June 2021 na kung saan nasa 62 beneficiaries ng Navotas Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance.

Nasa 55 scholars ang high school students, dalawa ang nasa kolehiyo at lima ang teachers.

Ang High school academic scholars ay tumatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa book, transportation at food allowance.

Ang Navotas Polytechnic scholars naman ay tumatanggap ng P22,000 bawat academic year para sa tuition, books, transportation at food. Ang Scholars ng ibang colleges o universities ay nakatanggap pareho ng P262,000.

Habang ang teacher scholars ay tumatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition; book, transportation, food allowance; at research grant.

Nauna rito, ipinamahagi ng Navotas ang para sa January-June 2021 allowance ng 140 Navotas Athletic Scholars na nagkakahalaga sa P9,900. VICK TANES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *