ISYU SA WIKA NG PAGTUTURO DAPAT RESOLBAHIN SA PAGGUNITA NG BUWAN NG WIKA

Sherwin Gatchalian

SA gitna ng paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagtugon sa mga isyu ng wikang ginagamit sa pagtuturo.

Ang wikang ginagamit sa pagtuturo ay itinuturing na isa sa mga pangunahing isyu sa mga paaralan ng bansa. Base sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), mahigit anim napung porsiyento ng mga mag-aaral na labin-limang taong gulang ang gumagamit ng wika sa kanilang mga bahay na iba sa ginagamit sa mga paaralan.

Ayon din sa naturang assessment, kung saan halos walumpung (79) mga bansa ang lumahok, ang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa Reading o Pagbasa. Lumalabas na isa lang sa limang mag-aaral sa bansa ang may sapat na kakayahan sa pagbasa. Ayon sa Department of Education (DepEd), maaaring naaapektuhan nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang mga aralin sa Science and Mathematics.

Mandato ng Republic Act No. 10533 o ang Enhanced Basic Education of Act of 2013, na kilala rin bilang K to 12 Law, na ipatupad sa curriculum ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Sa unang tatlong taon ng elementary education, ang pagtuturo, mga kagamitan sa pagtuturo, at ang assessment ay isasagawa sa lokal o wikang pang-rehiyon ng mga mag-aaral.

Magpapatupad naman ng language bridge program sa paggamit ng Filipino at English sa Grade 4 hanggang Grade 6, hanggang ang dalawang wikang ito ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa secondary level.

Ang pagpapatupad ng MTB-MLE ay isa ring hamon para sa mga guro. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2019, kabilang sa mga isyu ang kakulangan ng mga aklat na nakasulat sa mother tongue, pati na rin ang kakulangan ng teacher training sa pagtuturo ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo.

“Maganda ang layunin ng mother tongue education na turuan ang mga bata sa wikang kanilang naiintindihan, ngunit nakikita natin na may mga hamon sa pagpapatupad nito at naaapektuhan nito ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa pag-reporma natin sa ating sistema ng edukasyon, kailangang resolbahin natin ang mga isyu sa mother tongue education,” pahayag ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Inihain ng mambabatas ang Senate Resolution No. 610 na isinusulong ang pagrepaso ng Senado sa pagpapatupad ng MTB-MLE. VICKY CERVALES

76 thoughts on “ISYU SA WIKA NG PAGTUTURO DAPAT RESOLBAHIN SA PAGGUNITA NG BUWAN NG WIKA”

  1. Great post. I was checking continuously this weblog and I am inspired!
    Extremely useful information specifically the last phase 🙂 I take care of such info a lot.
    I used to be looking for this certain information for a very
    long time. Thank you and good luck.

    Look into my page: pet cemetery

  2. I loved as much as you will receive carried out right
    here. The sketch is attractive, your authored
    subject matter stylish. nonetheless, you command get got an impatience over that you wish be delivering the following.
    unwell unquestionably come more formerly again as
    exactly the same nearly very often inside case you shield this
    increase.

    Here is my web page: native american carpets-rugs

  3. 263159 66903Currently really do not stop eating because there is yet the decision which you will transform into. Work from your home us rrs often a fad for that who wants to earn funds yet still enough time requires most substantial occasions employing children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 837573

  4. You are so awesome! I do not believe I’ve truly read something like this before. So nice to discover somebody with some unique thoughts on this topic. Seriously.. thank you for starting this up. This site is something that’s needed on the web, someone with a bit of originality!

Comments are closed.