K BROSAS NALOKO NG P7-M

showbiztuhan

UMIIYAK si K Brosas na humarap sa publiko. Dahilan ng kanyang pag iyak ay ang ilan taon pinag ipunan diumano nito na nauwi lang sa wala. May kinontrata kasi siyang isang kaibigan para mamahala sa ipinapatayo niyang bahay na nagkakahala ng 7 Million. Pero ilang taon ang nakakalipas ay hindi ito natapos at inabandona na umano.

Ilang taon din umano siyang nagtimpi at para matapos lang ang pinapatayo niyang bahay pero walang bahay na natapos, kaya kumuha na si K ng abogado para magsampa ng kaso laban sa taong involved.

Pangarap ni K na magkaroon ng magandang bahay na titirahan nila ng kanyang pamilya kapag nag-retire na siya sa showbiz. Kasama rin sa plano niyang makasama ang kanyang mga anak sa kanyang dream house, pero Malabo na raw itong matupad. Wala na ang pa­ngarap niyang rest room na mala-Spa sa ganda. Wala na ang bedroom na pangprinsesa.

Sa ngayon, kahit galit na galit siya sa dating kaibigang pinagkatiwalaan, ang gusto na lamang niya ay maibalik sa kanya ang inilabas niyang seven million pesos, hoping na sa ibang araw, matutupad din kahit paano ang kanyang pangarap.

***

ANGEL HANDS ON SA PAG AALAGA  SA AMA

Matapos isinugod sa Ospital ang 94 years old na ama ng actress na si Angel Locsin matapos dapuan ng virus na COVID-19, personal niya itong inaasikaso nga­yon. Nag-aalala kasi siya dahil sobrang matanda na ang kanyang ama. Sakaling magkaroon ng kumplikasyon, baka malagay sa alanganin ang buhay nito. Pero kahit nag-aalala, umaasa si Angel na kakayanin ng kanyang ama ang pag subok na ito.

Bumuhos sa social media panalangin ng mga kaibigan ni Angel. Kahit ang asawa ni Angel na si Niel Arce ay nag-post ng supprta at panalangin para sa kanyang biyenan. Dalangin ngayon ni Angel na bumilis ang pagga­ling ng kanyang father na siya na lang ni-yang natitirang kamag-anak liban sa kanyang asawa. Mula’t sapul naman ay si Angel ang nag-alaga sa kanyang Ama. Hindi niya ito ipinagkatiwala sa iba.

***

SEAN DE GUZMAN SUNUD-SUNOD ANG MOVIE SA VIVA

SUNOD SUNOD ang movie ni Sean De Guzman sa Viva. Kakatapos lang ng pelikulang Taya at may kasunod na agad. Ipapalabas na ang Bekis On the Run sa streaming. Ang role ni  Martin ang ginampanan ni Sean, exclusively sa Vivamax simula September 17.

For sure , maraming makaka-relate sa mga kabadingan sa pelikulang ito. Kaya watch na kayo sa September 17 at mag-download na ng Vivamax.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *