KANLAON VOLCANO NAG-ALBURUTO

KANLAON VOLCANO

AABOT sa 20 volcanic earthquakes ang naitala ng Kanlaon Volcano sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Philipine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala rin ng moderate emission ng kulay puting steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot ng hanggang 300 metro.

Noong Hunyo 26 nang magbuga ang bulkang kanlaon ng sulfur dioxide na nasa average na 116 tones kada araw.

Nananatili naman sa alert level 1 ang bulkan na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Ipinaalala ng PHIVOLCS sa lokal na pamahalaan na hindi pa rin maaaring makapasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng nasabing bulkan. DWIZ882AM

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *