KAPIT-BISIG PARA SA BAYAN

PUSONG PANALO

(Pagpapatuloy)

NARITO pa ang mga karagdagang inisyatiba upang makapangalap ng tulong para sa mga taong apektado ng COVID-19. Ang Rock Ed Philippines ay nanghihikayat sa mga grupo at indibidwal upang makapagpadala ng bagong lutong pagkain sa ating mga frontliners. Maaari kang tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ingredients, gulay, prutas o cash. Puwedeng mag-iwan ng mensahe sa social media account ng grupo, o kaya naman ay ideposito ang iyong donasyon sa BPI (Rock Ed Philippines, 3080 0073 44).

Kung ikaw naman ay makapagpapadala  ng mga ready-to-eat na  produkto, PPEs, alcohol, sabon, at hand sanitizers para sa mga ospital na nangangailangan ng mga ito, maaaring ipadala ang iyong donasyon sa pamamagitan ng Angkas. I-fillout lang ang donation form na matatagpuan sa: http://bit.ly/AKSDonation

Mayroon ding mga volunteer doctors mula sa Lung Center of the Philippines na nagsama-sama upang mabuo ang COVID Ask Force. Mayroon silang Facebook page. Kung ikaw ay may nais ikonsulta o itanong tungkol sa COVID-19, maaaring mag-iwan ng mensahe sa Facebook page nila. Ang mga doktor mismo ang sasagot sa iyong mga katanungan. Layon ng mga manggagamot na mabawasan ang tao sa mga Emergency Room ng mga ospital at maiwasan ang pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa.

Katulad din ng mga napagdaanan nating krisis, ang magsasalba sa atin ay ang kapangyarihan ng taumbayan, ang pagsasama-sama at pagtutulungan. Itaas natin ang bawat isa upang mapagtagumpayan natin ang mga hamong dulot ng COVID-19!

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *