KEN AT RITA NAGTAKA KUNG PAANO LUMABAS ANG ISYU SA KANILA NI ALEX GONZAGA

AT THE premiere of the movie Kiko En Lala, the launching movie of Super Tekla, sizzling bitsthe press had a grand time talking to Rita Daniella and Ken Chan.

As to be expected, hiningan nang pahayag ang dalawang Kapuso artists tungkol sa isyu nila kay Alex Gonzaga.

“Ano po, okay na po,” Rita said. “Kasi nagkausap na po kami, okay naman na kami ni Alex.

“So, sana po huwag na po nating gawing isyu, sana po tapos na po ‘yung isyu since now, so… Kasi it shouldn’t be a big deal naman po talaga and the important thing is we’re okay.”

Dagdag pa ni Rita, matagal na raw ang natu­rang inadvertent meeting nila nina Ken at Alex sa airport.

Nangyari naman daw ang pag-uusap nila ni Alex kamakailan.

Bagama’t tapos na ang isyu, still the public would like to know the real score. That is, kung may isnaban ba talagang nangyari.

Speechless sina Rita at Ken, but basing from their facial expressions, mukhang may katotohanan nga ang mga lumabas na balita. Anyhow, it was Ken’s time to talk about the issue.

“Hindi,” he said trying to maintain his air of objectivity. “Sa totoo lang kasi, alam niyo naman kasi, may mga times talaga na… kahit hindi naman artista, may mga times talaga tayo na minsan, down tayo or pagod, wala sa mood.”

But was Alex cold really? Rita was noticeably silent.

Puwede bang i-share nila kahit kaunti ang kanilang napag-usapan?

“Hindi po, kasi respeto ko rin po ‘yun sa kanya, kung anuman po ‘yung napag-usapan namin,” Rita coolly explained.

Suffice to say, that airport incident happened a long time ago, they are wondering why it has surfaced now.

“Opo, kaya nagulat din po kami na bakit po, paano po (lumabas), kasi hindi naman din po kami nagsalita about it. Wala naman po siya para sa amin ni Ken.

“So, nagulat din po kami kung paano po yun lumabas at naging isyu.”

Incidentally, sailing every night on GMA Telebabad, is One of The Baes, featuring Ken Chan and Rita Daniela, with a host of GMA talents that include Roderick Paulate, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Melanie Marquez, and Jestoni Alarcon. Joining them are Maureen Larrazabal, EA Guz-man, Rodjun Cruz, and Joyce Ching, together with the funny ensemble of Archie Alemania, Buboy Villar, Kenneth Medrano, and James Teng.

AIKO MELENDEZ BALIK TRABAHO PAGKATAPOS NG SEVERE MIGRAINE ATTACK

ISINUGOD sa ospital last September 14, Sabado, si Aiko Melendez dahil inakala AIKO MELENDEZnitong she was suffering from a fatal stroke.

‘Yun pala, it was a case of severe migraine attack.

“I’ve realized that health is wealth. You need to hear your body also,” paliwanag ni Aiko in a recent interview.

Ngayon daw niya na-realize that she needs to save for the insurance and needs to pray more so that she would not get sick once again.

Bata pa raw kasi ang kanyang mga anak. Kaya sa ngayon, mas extra careful raw siya sa pagkain at kanyang lifestyle. Sa ngayon, iniiwasan raw niya ‘yung ikaka-stress niya para huwag sumakit ang kanyang ulo.

Sa ngayon, balik-taping na si Aiko sa GMA-7 drama series na Prima Donnas na patuloy na gumaganda ang rating.

True to her hunch, maganda nga ang na­ging pagtanggap ng mga tao sa kanilang soap kahit na they are facing strong competition.

As far as Aiko is concerned, competition is secondary. What’s important is that you deliver and you tend to give your all in every single scene that you are doing.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *