KIM DOMINGO HINDI IPAGPAPALIT ANG BUBBLE GANG SA IBANG PROYEKTO

Kim Domingo

HINDING-hindi  raw magagawa ni Kim Domingo na ipagpalit sa ibang shows  ang  hotshotsBubble Gang dahil  sobrang  laki ng utang na loob niya sa longest  running gag show na napano­nood every Friday evening sa GMA 7.

“Priority  ko  po  talaga  ang Bubble Gang, dahil simula nang makasama  ako  rito, maraming doors ang nabuksan sa akin,” say ni Kim sa 24th anniversary presentation ng BG.

“Kaya kapag may tinanggap akong show, ipinauuna ko na sa kanila na hindi ako puwede ng Mondays, dahil every Monday ang taping namin ng Bubble Gang.

“Thankful  din ako sa Bubble …dahil  kahit  paseksi  ako sa unang pasok  ko rito, na wala akong restriction sa damit  na  isinusuot ko, ngayon  ay pumapayag  na silang tame na ng konti ang mga isinusuot ko sa show. Pero  nandoon pa rin ang pa-sexy look ko. Doon po kasi ako unang  nakilala  ng audience namin.”

Magmula kasi ng maging mainstay na siya ng Bubble Gang ay du­magsa na rin ang kanyang blessing  at dahil dito ay isa-isa niyang natutupad ang dream niyang maipagawa ng bahay ang sarili at pamilya.

Hindi rin niya makakalimutan ang magandang samahan nila sa Bubble Gang na mistulang para silang magkakapatid  sa  show.

Magsisimula nga­yong Friday, Nov. 15 ang part 1 ng kanilang 24th anniversary presentation na may pamagat na The ScAvengers na sig-uradong  ikagugulat ng mga followers ng gag show.

ANGELICA PANGANIBAN NAGPASAKLOLO PARA SA PAMILYA NA NASA PARIS

SA kanyang Tweet ay humihingi  ng tulong si Angelica Panganiban para sa kanyang ANGELICA PANGANIBAN pamilya  na nagbakasyon sa Paris.

Sa Twitter post ng actress ay kinuwento niya sinisingil ng 450 Euros ng taxi driver na sinak­yan  ng kanyang pamilya  papuntang  accommodation na malapit sa Eiffel Tower.

Hindi pumayag ang kapatid niya na magbayad ng sobrang laki  dahil  sobrang mahal  ng sinisingil ng driver. Nagbakasakali  si Angelica na baka may mga Filipino na naka-follow sa kanya  na puwedeng mag-assist sa kanyang  pamilya  dahil  hindi raw marunong mag-English ang driver kaya nahirapan ang kapatid niya na makipag-usap.

Mabuti na lang may isang Leo Lim na pinasalamatan ni Angelica kanyang  post   na siyang tumulong para makipag-negotiate  sa taxi driver na ayusin ang problema.

Sa tulong ng Pinoy ay naayos at pumayag sa 160 Euros pero ang hindi maganda ay itinapon daw ito ng driver at hindi tinanggap.

Pinagsisigawan  daw  at minura pa ng driver  ang ate at kuya ni Angelica at hinampas pa raw ang kamay ng kapatid niya nang makitang kinukunan  ito ng photo.

Dahil dito ay nag-alala si Angelica sa kapakanan ng kanyang pamilya dahil alam ng driver ang pinaghatirang accommodation  ng kanyang pamilya.

Naghihintay ng tiyempo ang kapatid ni Angelica para makapag-report  sa mga police at saka lilipat ng bagong accommodation  para hindi mabalikan ng bastos na driver.

Gustong magpunta agad ni Angelica ng Paris para damayan  ang kanyang  pamilya  at  para na rin ireklamo ang naturang driver.

Himutok  pa ni Angelica sa kanyang  tweet, @angelica 114, “Pumapayag  akong  sinasaktan  at  ginagamit  ako.  Pero hindi uubra kapag ginawa mo sa pamilya ko. Hustisya!!!

“Gusto  kong  lumipad  ng Paris ngayon at maghanap ng away!!! Lintek!  Wag, pamilya ko gunggong  ka!! Ipapahanap kita!” (GANUN? IPAHAHANAP TALAGA—ED)

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *