(KMJS 15th anniversary special) JESSICA SOHO & TEAM LUMIPAD SA LUGAR NA MAY ‘FOREVER’ ANG MGA FILIPINA

LUMIPAD ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) para sa kanilang 15th buzzdayanniversary celebration, ngayong Linggo, December 8, sa isang group of island sa  Atlantic kung saan ang pinipiling mapangasawa ng marami sa mga kalalakihan dito ay mga Filipina!

Ito ang tagong paraiso ng Faroe Islands sa Denmark na hinirang din ng travel publications bilang Top Travel Destination ngayong 2019. Pinuntahan ito ni Jessica Soho at dito daan-daang mga Filipina na pala ang nakatagpo ng kanilang “forever”.

Ito ang dapat alamin kung bakit  maraming mga Filipina ang lumalagay sa tahimik sa islang ito. At para dalhin ang Paskong Pinoy sa Faroe, mag­luluto sila ng classic bibingka na ipatitikim nila sa kani-kanilang mga asawa.

Samahan din si Jessica na libutin ang tourist spots sa Denmark na laging na­ngunguna sa listahan ng Happiest Countries in the World.  At bago tuluyang umuwi ng Pilipinas, may stop over din ang KMJS team sa Istanbul, Turkey upang mag-cruise, mag-shopping, at siyempre mag-food trip!

Ang lahat ng ito ay mapanonood sa “Lumipad ang Aming Team: Kapuso Mo, Jessica Soho 15th Anniversary Special” ngayong Linggo, pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

PRODUCER NG ‘MALVAR’ PINARANGALAN NG GAWAD PLARIDEL

GINAWARAN ng Gat Marcelo H. Del Pilar Gawad Plaridel Manananggol ng Bayan Award si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. (kaliwa sa larawan), Grandson of National Hero, Gen, Miguel Malvar and producer of the movie ‘Malvar,’ the true-to-life story of Gen. Malvar, na pinag-bibidahan ni Sen. Manny Pacquiao, mula sa Samahang Plaridel, Association of Philippine Journalists, Inc., mula sa actor at Bulacan Gov. Daniel R. Fernando (kanan).

Inianunsiyo ni Atty. Villegas, founding chairman of the Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (KKK-CCW), na ang JMV Films/Dreamwings-Papin Entertainment in honor of General Miguel Malvar, na magkakaroon ng Christmas Party sa Aberdeen Court Quezon City sa December 22, 2019 kung saan ang probable all-star cast of ‘Malvar’ sa pangunguna ni Sen. Manny Pacquiao ay ipakikilala ng Asia’s Sentimental Songstress at  Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin, ‘Malvar’ Line Producer, with Sec. Salvador S. Panelo, Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson, as Keynote Speaker and Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas bilang guest of honor and speaker.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *