KOREAN NATIONAL HINA-HUNTING NG BI

Jaime Morente

MAYNILA – IPINAG-UTOS ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang manhunt operation sa isang Korean na tumakas sa kanilang kustodiya sa  Pampanga.

Kinilala itong suspek na si Song Yangrae, 43-anyos, at ayon kay Warden Ramiecar Caguiron tumakas ang suspek noong Enero 31 matapos magpaalam na gagamit lamang ng palikuran.

Ayon kay Morente, si Song at ang kasama nito na si Ryu Song Woo ay mga wanted sa Korea dahil sa paglabag sa Industry Promotion Act.

Ayon sa report kay Morente, pinayagang si Song na magpunta sa Pampanga upang ibenta ang kanyang property sa nasabing lalawigan.

Kasama ni Song ang apat na BI agents na sina Dennis Alsado, Lee Sean Matignas Bernard Mabida, at Raymond Calub.

Ngunit noong lunch time nagpaalam ito na pupunta sa restroom  subalit bigla itong nawala at hindi na makita. FROI MORALLOS