LAGAYAN SA BILIBID PATULOY

Amando Empiso

AMINADO  ang Bureau of Corrections (BuCor) na nananatili ang lagayan sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa kabila ng bagong pamunuan nito.

Ayon kay Police Major General Amando Empiso, hepe ng PNP Special Action Force (SAF), paminsan-minsan ay mayroon pa rin silang nahuhuli na nakakalusot.

Upang maiwasan aniya na maging pamilyar sa isa’t isat ang mga bantay na SAF at mga bilanggo ay regular na pinapalitan ang mga nakatalaga rito.

Kasabay ng pagpapalit ng pamunuan ng BuCor ay pinalitan din ng 70 miyembro ng 33rd Special Action Company ng 3rd Battalion ang 72nd Special Action Company ng 7th Battalion ng SAF. DWIZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *