LIDER NG ALOMIA DRUG AT ROBBERY GROUP TODAS SA BUY BUST

patay

LAGUNA – PATAY sa engkwentro ang itinuturong leader ng Alomia Drug and Robbery Group matapos umanong manlaban sa isinagawang buy bust operation ng mga kagawad ng Sta. Rosa City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) sa Bgy. Caingin kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ni PLt. Col. Vicente Amante, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang napatay na suspek na si Conrado Alomia alias “Cedie”, 24-anyos at hindi naman nasugatan ang live-in-partner nito na si Ke­rine Constantino y Camagong, 31-anyos, pawang mga residente ng Constantino Compound, Purok 4 ng natur-ang lugar.

Nabatid na bandang alas-9:50 ng umaga nang magkasa ng buy bust operation at nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis na hindi inaasahang nauwi sa isang engkwentro.

Binawian nang buhay habang isinusugod sa pagamutan si  Alomia matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa kanyang katawan samantalang ang kinakasama nitong si Constantino ay mapalad na nakaligtas.

Narekober ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu at ginamit na kalibre 38 ng suspek habang ang kinakasama nitong si Constantino ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya. DICK GARAY

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *