LIST NG NEXT AFP CHIEF HAWAK NA NI DIGONG

Defense Secretary Delfin Lorenzana-3

HAWAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng posibleng mahirang na bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Kaugnay ito sa nakatakdang pagreretiro ni AFP chief General Gilbert Gapay sa unang Linggo ng Pebrero.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, naisumite na niya kay Pangulong Duterte ang listahan ng mga pangalan ng mga posibleng hahalili kay Gapay.

Nabatid na sa darating na Pebrero 4 ay magreretiro na si Gapay, miyembro ng Philippine Military Academy Class 1986 na itinalaga bilang ika-54th na pinuno ng Hukbong Sandatahan noong Hulyo ng nakalipas na taon.

Ani Lorenzana, posibleng ngayong linggo ay malalaman na kung sino ang susunod na AFP chief of staff.
Kabilang sa mga matunog na kandidatong kapalit ni Gapay , sina Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Arnulfo

Burgos; Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, , at iba pang area commanders.

Nauna rito sumalang muna sa mabusising pag-aaral ng AFP Board of Generals ang senior military officials na napiling i-endorso ng DND kay Pangulong Duterte. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *