LISTAHAN NG TATANGGAP NG AYUDA IPINASKIL

SINIMULAN na ng ilang barangay sa Pasay ang pagpapaskil ng listahan ng mga benepisyaryo sa ipamamahaging ayuda para sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Nauna nang ipinaskil ng Barangay 51 sa kanilang Barangay Hall nitong Martes ng gabi ang listahan ng mga benepisyaryo na sinundan naman kahapon ang mga Barangay 46, 104, 183 at Barangay 201 at iba pang mga barangay para sa maayos na distribusyon ng ayuda.

Ang bawat indibidwal na benepisyaryo ay makatatanggap ng P1,000 ngunit hindi lalampas sa P4,000 kada pamilya.

Ipamamahagi ng lokal na pamahalaan ang AYUDANG CASH ng gobyerno sa mahigit 123,000 benepisyaryo sa lungsod.

Ang distribusyon ng AYUDANG CASH ay isasagawa sa sandaling malagdaan ang ipalalabas na Executive Order (EO) na may kaakibat na Implementing Rules ang Regulations (IRR) sa pamamahagi ng naturang ayuda alinsunod sa isinasaad ng batas.

Idinagdag pa na ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) habang ang ipamamahaging ayuda para sa mga residente ng lungsod na nagkakahalaga ng P348,000,000 ay nagmula naman sa Department of Budget and Ma­nagement (DBM). MARIVIC FERNANDEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *