(Lorenzana tinamaan ng COVID-19) SKELETON WORKFORCE SA DND

PINAPAYUHAN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ring chairman ng National Task Force against COVID-19 (NTF) ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha nitong mga nakaraang araw na mag- isolate at mag- RT PCR test.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID -19 si Lorenzana nang mag- RT PCR test at lumabas ang resulta kahapon.

Ayon sa kalihim, sasailalim muna ito ng ilang araw na isolation batay na rin sa quarantine guidelines.

Subalit,aniya magpapatuloy ang skeleton workforce ng DND para makapagbigay pa rin ng serbisyo lalo ngayong pandemya.

Kaya’t paalala ni Lorenzana sa lahat na mag-ingat dahil virus ay totoo. Kinakailangan lamang na sumunod sa ipinatutupad na health protocols.REA SAR­MIENTO/VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *