LUMANG JEEP PAPAYAGAN NA BASTA ROADWORTHY – LTFRB

JEEPNEY10

MAAARI nang muling makapasada ang mga lumang jeep ngayong linggo matapos na masuspinde ang kanilang operasyon sa loob ng ilang buwan dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic, ayon sa Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB).

Sa Laging Handa virtual briefing ay sinabi ni LTFRB chief Martin Delgra na magpapalabas sila ng memorandum ngayong araw o sa Miyerkoles upang isapinal ang mga panuntunan sa pagpapahintulot sa “roadworthy” jeepneys na makabalik sa kalsada.

“Pinaplano po na ang pagbalik ng traditional jeepney. But we would like to emphasize na kailangan sila ay roadworthy. Mahigpit na direktiba po ito sa Department of Transportation,” wika ni Delgra.

“Sila ay papayagan na ngayong linggo,” dagdag ni ­Delgra.

Sa panayam ng CNN ­Philippines, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran na inisyal na target ng LTFRB ang pagbabalik ng operasyon ng mga tradisyunal na jeep sa Huwebes o Biyernes ngayong linggo.

Samantala, sa hiwalay na briefing ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-ooperate na ang traditional jeepneys sa Bulacan, Pampanga, Cagayan de Oro, South Cotabato, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Siquijor, Eastern Visayas, Soccsksargen, at Ilocos Region.

Ayon kay Roque, ang natu­rang mga lugar ay umaasa lamang sa traditional jeepneys dahil sa kawalan ng mga buse o train services.

Kahapon ay may ka­buuang 980 UV Express units ang nagbalik-pasada na kahapon sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. Sinabi ng tranaport officials na susunod na rito ang mga lumang jeep.  CNN PHILIPPINES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *