MAGDYOWANG TULAK SWAK SA KULUNGAN

BAGUIO CITY – REHAS na bakal ang binagsakan ng magdyowang tulak makaraang makumpiskahan ng P27K halaga na shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA at Baguio City police sa bahagi ng Bakekang Road ng lalawigang ito noong Linggo ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 ang mga suspek na sina Rogelio Buccat at Maria Damalerio, call center agent at kapwa nakatira sa Brgy.Bakekang Central sa nasabing lungsod.

Base sa ulat, nakipag-deal ang isang undercover agent sa mga suspek sa isinagawang buy bust operation na kung saan ay nakabili ito ng P27,000 halaga ng shabu mula kay Buccat sa loob ng kanyang kotse.

Subalit, nakatunog si Buccat na operatiba ng PDEA ang kanyang nakatransaksiyon kaya’t agad na pinaharurot nito ang kotse kung sinalpok nito ang barrier sa gilid ng kalsada at sinagi pa ang ilang kotseng nakaparada sa nasabing lugar.

Hinabol at nakorner ng mga operatiba ang mga suspek sa bahagi ng Brgy. Suello saka binitbit sa police detention facility bago isinailalim sa tactical interrogation at drug test.

Binalaan naman ni Cordillera PDEA director Gil Castro ang mga nagtatangkang maging drug peddler sa Cordillera region dahil sa hindi sasantuhin ang mga ito. MHAR BASCO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *