MAGPAPA-COVID VACCINE MANO-MANONG ILILISTA

Francisco Duque2

MANO-MANO ang gagawing paglilista sa ilang lugar sa bansa ng mga residenteng nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa kaya ng ahensiya na gawing digital ang pagbuo sa data base para sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Wala umanong  access sa internet ang ilang lugar sa bansa kaya’t hindi na nila aambisyunin pa na maabot ang full digitized system.

Tiniyak ni Duque na walang magiging problema sa suplay ng koryente para sa cold storage facilities na paglalagyan ng mga bibilhing bakuna.

Umaasa naman si Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na aabot sa 85% ang tiwala ng publiko sa COVID-19 vaccination na gagawin ng pamahalaan dahil sa pagpapaigting ng ahensiya sa isinasagawang COVID-19 vaccine information drive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *