MAINE EXCITED NANG LUMIPAT SA SARILING MANSION

SABIK nang lumipat sa kanyang sariling tahanan ang phenomenal actress na si Maine Mendoza.

Malapit nang matapos ang mansion ng aktres at excited na itong lumipat sa Disyembre.

“Ngayon, ang nilu-look forward ko na lang sa December ay hopefully maka-move in na ako dun sa bahay na pinapagawa ko na hindi ko alam kung kalian magagawa,” pahayag nito sa panayam ng 24-Oras.

“Minsan nasasamahan ko ‘yung tatay ko mamili ng tiles tsaka mga appliances. Sobrang chill lang ako. Gusto ko lang talagang may matirahan na sarili kong bahay, “dagdag pa ng aktres.

Sa edad na 24 ay marami nang naipundar ang aktres na isa ring commercial model.

Matatandaang nag-viral   ang larawan  ng pinagagawang mansion ng aktres nang i-post ito ng netizen sa Instagram.

“Mukhang maganda puro salamin ang dingding” “Ang laki, gah! Mababash na naman si Meng for sure, maglalabasan na naman anays. Kapitbahay nya jan sila Julius and Christine Babao.” “Ang laki ng bahay ni Maine..” “Grabe si Meng. Tvs, artista, magazine cover, may mcdo, may lovelife at may pinapatayong bahay. At 24 marami na syang na accomplish sa buhay.” “Wow. Beautiful. Nakakatuwa pag nakakakakita ng mga tao na nagtatrabaho ng maigi for their dream home. Happy for you, Maine.” KALI CHAN

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *