MALINIS NA TUBIG HATID NI JASON ABALOS, PARA SA CAGAYAN AT ISABELA

NOEL ASINAS BLOG

SINIMULAN ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang ‘The Clean Water Project’ para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na tinamaan ng bagyo. Layunin nitong magbigay ng malinis na tubig para sa mga nasabing probinsya.

“Maigsing kuwento lang. Kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig. Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero madami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom,” kuwento niya sa Instagram.

Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. DM n’yo na lang po ‘yong regalo n’yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po,” aniya.

Ibinalita rin ni Jason na as of November 18, mayroon nang naipong clean drinking water para sa 400 families ang proyekto.

o0o

ALTHEA VEGA, NAGPA-SWAB TEST BAGO ANG GUESTING SA SHOW

Unforgettable kay Althea Vega ang kanyang guesting sa Fill in the Bank. Paano ba naman sa lahat ng dalawang games na sinalihan niya ay panalo siya.

Pero, ang ikatlo at final game ay panalo rin siya. Kaya lang golden lucky coins ay hindi niya nahakot. Talo siya. Suwertihan ang laro kaya Nakaka-excite panoorin.

Nakalaban ni Althea ang kapwa niya fitness instructor from Clark, Pampanga. Si Althea ay kasalukuyang fitness instructor sa Golds Gym, Twin Oak, Green Field District, Shaw Blvd., Mandaluyong.

Masaya si Althea na naging contestant ng Fill in the Bank. Kahit nagpa-swab test siya bago ang taping ng games.

Natuwa rin ang actress dahil napansin siya ng organizer ng show, APT Entertainment. Nai-guest siya sa panahong kailangang kumita ang isang artista para pambayad sa bills.

Kahit honorarium ang nakuha niya, abo’t abot ang pasasalamat niya.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *