MANILA STANDARD DESKMAN/ SPORTSWRITER ARMERO PUMANAW NA

Arman Armero

SUMAKABILANG-BUHAY na si Manila Standard deskman/sportswriter Arman D. Armero noong February 22, 2021 matapos ang lingering heart at kidney ailments.

Siya ay 59.

Naulila ni Armero ang kanyang anak na si  Aaron Cham, inang si Nena, at mga kapatid na sina Adamar, Ernesto, Emily at Wilhelmina.

Sinimulan niya ang kanyang media career bilang assistant sports editor ng People’s Tonight noong 1991 sa panahon ng Manila Southeast Asian Games at naghain ng early retirement sa Journal Group of Publications noong 2002. Umanib siya sa Manila Standard bilang assistant sports editor noong 2005, bago inilipat sa desk pagkalipas ng isang dekada.

Bago ang kanyang media work, si Armero ay isang radio talent at copywriter.

Siya rin ang presidente ng Lyceum Journalism Society noong 1984 at literary editor ng The Lyceum mula 1983 hanggang 1985.

Wala pang detalye sa kanyang libing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *