MARCIAL SA PSA FORUM

Willie Marcial

MULING magiging panauhin si PBA commissioner Willie Marcial sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong araw.

Tatalakayin ni Marcial ang naging pagpupulong nila ng mga coach at team manager, kasama ang PBA Board noong weekend sa harap ng paghahanda ng liga para sa pagpapatuloy ng ensayo ng mga koponan sa susunod na linggo.

Magsisimula ang session sa alas-10:30 ng umaga.

Ang weekly forum ay ipalalabas nang live via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isi-share din ng Radyo Pilipinas 2 facebook page.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *