MARIAN RIVERA NILINAW NA WALA SILANG AWAY NI LOVI POE

DIRETSANG ina­min ni Marian Rivera na wala silang away ni Lovi Poe. Ito ang wallfacekanyang tugon sa lumaganap na larawan nila nina Lovi at AiAi delas Alas nang maging panauhin si Lovi sa show nila Marian at AiAi.

Lumalabas kasi sa naturang litrato ay tila nagkaayos na sina Marian at Lovi. Hindi na rin naman kasi bago para kay Marian na nasangkot ang kanyang pangalan sa ‘alitan’ sa kapwa niya artista. At dahil nagkaroon noon ng gap sina Heart  Evangelista at Marian, nadamay ang pangalan ni Lovi dahil mag-best friend sina Lovi at Heart.

Say naman ni Marian, feel daw niya na habang nagkakaedad siya ay nais niyang ang bawat makasalubong niyang kasamahan sa trabaho ay kapwa may ngiti sila sa labi. Binago ng pagiging isang ina ang pananaw ni Marian sa buhay.

Ani ng Kapuso actress, nais niyang maging magandang ehemplo sa kanyang mga anak sa paglaki ng mga ito, ang makita ang kanilang ina na walang kagalit na tao at puro pagmamahal ang ibibigay. As in no more enemies only friends ang peg ni Marian.

Sa ngayon ay may dalawang  weekly show sa GMA 7 na pinagkakaabalahan si Marian, ang “Tadhana” at ang “Sunday Pinasaya”.

JO BERRY PURO POSITIBO ANG KOMENTO SA KANYANG ROLE SA ‘THE GIFT’

ISA  sa mga actor pinupuri  sa cast ng “The Gift” ni Alden Richards sa Kapuso JO BERRYNetwork, ay si Jo Berry, ang gumanap na poster parent ni Alden nang ‘mawala’ siya noong bata pa.

Maraming eksena na damang-dama ang pagi­ging isang ina ni Jo kay Alden, mga eksenang makabagbag-damdamin. Pero kung susumahin, higit na mas bata si Jo kaysa kay Alden at hindi pa naging isang ina sa totoong buhay si Jo. Masaya naman si Jo sa mga natatanggap niyang mga positibong komento.

Hindi na rin naman daw kasi bago na lumabas siyang ina sa mga artistang halos kasing-edad niya lang o mas matanda sa kanya. Tulad na lang sa “Onanay” kung saan ay halos kaedaran lang niya ang mga ‘anak’ niya na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Mas pinagbubutihan pa raw niya ang kanyang acting upang mas maging inspirasyon siya sa mga katulad niyang kata­yuhan sa buhay na kung saan ay hindi awa ang pinaiiral sa sarili. Naniniwala kasi si Jo na lahat ng likha ng Maykapal ay may kanya-kanyang purpose sa buhay.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *