(Matapos magpositibo sa Covid-19) CHRISTOPHER DE LEON RECOVERING, MALAPIT NANG MA-DISCHARGE SA OSPITAL

AFTER ma-confine for Covid-19, it’s nice to see Bro. Bo (Christopher de Leon) as he is fondly called, na kasama na ang barkada nilang showbiz eyeLegends Family, na kumanta ng theme song nilang “Through The Years” sa isang IGTV post ni Tirso Cruz III sa kanyang Instagram wall.

Post ni @tirso cruziii Quarantine hits! Through the years with the Legends family. The Legends family send-ing you love and encouragement from our homes.  Grateful that we continue to witness God’s love and faithfulness in each other’s lives through the years (decades) of friendship.  Praising Him for everyone’s good health and for His abundant grace this season! Stay home and stay safe everyone!

Ang nag-join ay ang mag-asawang Tirso at Lynn with Bodie and Djanin, Bro. Bo and wife Sandy Andolong, Director Laurice Guillen and daughters Ana and Ina Feleo, director Edgar Mortiz and family, Fanny Serrano, Maritess Gutierrez, director Ricky Davao, Lorna Tolentino, Amy Austria and husband Duke Ventura, director Gina Alajar and Isabel Rivas. Umabot na sa more than 26,803 views and more than 300 comments.

Ipinaabot naman ni Bro. sa kanyang Oasis of Love family na – “No cough, no fever, no stomach problem and no more sipon.  The Lord GOD be glorified!”

Any day now ay lalabas na ang premyadong actor sa pagka-confine sa hospital.

 

ALDUB NATION HILING NA IBALIK ANG REPLAY NG KALYE SERYE NINA ALDEN AT MAINE

INIP NA inip na ang AlDub Nation (ADN), ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, na wala silang nababasang balita tungkol sa kanilang mga idolo.  Dati nga naman kasi, bago nagkaroon ng Luzon community quarantine, napapanood pa nila ang dalawa, kahit hindi magkasabay, sa “Eat Bulaga,” at masaya na sila roon dahil alam daw nilang may restrictions pa rin sa dalawa, na hindi naman maintindihan ng marami.

Masaya na silang mabalitaan na kahit hindi sila nag-aapir na magkasama sa longest-running noontime show, iyong mga nasa APT Studio ay nakikita raw nilang inihahatid ni Alden si Maine, kung minsan daw naman ay sinusundo ni Tisoy si Menggay after ng EB.

Kaya may request ngayon ang ADN.  Since hindi raw alam kung hanggang kailan muling ibabalik  ang live show ng EB, pakiusap nila ay sana raw ang ibalik ay ang Kalyeserye ng ALDUB.  Iyon daw ang first part ng show, bago ituloy sa “Bawal Judgmental” segment.

Request din nila, since hindi raw nakapag-taping ng Holy Week presentation ang EB,  na for sure ay magri-replay sila ng Holy Week Special nila, sana raw ay iyong episodes na ginampanan nina Alden at Maine ang ipalabas nila kahit ihiwalay na episode.

Sana nga ay makarating naman sa management ng “Eat Bulaga” ang  pakiusap na ito ng AlDub Nation.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *