MEDIA FIRMS PINAAAYUDAHAN SA GITNA NG COVID-19 CRISIS

Martin Andanar

HINIMOK ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga ahensiya ng pamahalaan na maglaan ng pondo para sa advertisement upang tulungan ang media companies na makabangon  mula sa economic impact ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ang pahayag ay ginawa ni Andanar makaraang makatanggap ng mga ulat na ilang private media companies ang nagsimula nang magbawas ng mga tao dahil sa quarantine measures na ipinatupad sa buong Luzon noong Marso 16 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Ipaglaban ninyo  ang inyong advertising budget, i-allocate ninyo and distribute equally sa private media,” wika ni Andanar sa pakikipagpulong sa mga pinuno ng private media sa Baguio City noong Sabado.

Ayon kay Andanar, na nag-iikot sa countryside upang makausap ang mga media organization, ilang media companies sa mga probinsya ang nagbawas ng suweldo ng kanilang stringers ng 50 percent.

“After two or three weeks later, I started hearing that this media company, big ones from Manila, started downsizing,” ani Andanar, na dating broadcast journalist.

Aniya, ang kakayahan ng  private media na mangalap at magpakalat ng balita ay apektado dahil sa economic reasons.

“‘Pag sarado ang negosyo, walang advertisement, walang pangkabuhayan ang media company. Kung walang pagkukunan ng revenue, walang pampasuweldo,” dagdag ni Andanar. (PNA)

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *