MENSAHE NI DUTERTE SA EID’L FITR: ISABUHAY ANG MGA ARAL NG ISLAM

Duterte-51

HINIKAYAT  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapatid na Muslim na isabuhay at magsilbing halimbawa sa kanilang pananampalataya.

Ito ang mensahe ng Pangulo kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Hangad ng Pangulo na tumimo sa puso ng bawat isang Muslim ang mga mahahalagang katuruan at aral ng dakilang Mohammad sa patnubay ni Allah.

Umaasa ang Pangulo na maipakita ng mga Muslim ang kabutihan sa sangkatauhan, magsilbing daan para sa kapayapaan at pagkakaisa upang matamo ang ganap na katahimikan at magkaroon ng kasaganahan. DWIZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *