MERALCO MAGLALABAS NG BAGONG BILL PARA SA MGA BUWAN NA NAKA-ECQ

MERALCO BILL

MAGLALABAS  ng bagong billing ang Meralco para sa mga nakonsumo  sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ay bilang pagsunod sa bagong guidelines na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa harap ng napakaraming reklamo sa natanggap na Meralco bill na halos anim na beses umano ang pagtaas.

Inatasan na ng ERC ang Meralco na magsagawa na ng meter reading hanggang Hunyo 8 upang ang aktuwal na konsumo talaga ang maibigay nila sa kanilang customers.

Batay sa utos ng ERC, ang mga kumokonsumo  ng mababa sa 200 kilowatt hour ay maaaring magbayad ng installment hanggang anim na buwan habang hanggang apat na buwan naman ang sa mga may konsumong mataas sa 200 kilowatt hour. LEN AGUIRRE (DWIZ 882)

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *