MGA ALITUNTUNIN PATUNGKOL SA MECQ

PUSONG PANALO

(Pagpapatuloy…)

SA ILALIM ng MECQ, bawal pa rin ang pagbiyahe papunta sa ibang isla at ang pagsakay sa eroplano papunta sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Ang pagba-bike at paggamit ng mga sasakyang hindi de-motor ay pinapayagan. Ang mga biyahe sa eroplano papunta sa ibang bansa ay pinapayagan lamang para sa mga OFW o mga Filipinong nais umuwi ng Filipinas.

Ang mga negosyong hindi pa rin maaaring magbukas sa ilalim ng MECQ ay ang mga sumusunod: gym, fitness studio o pasilidad na pang-sports, mga sinehan, karaoke o videoke bars, mga palaruan para sa mga bata, mga aklatan, museo, sentrong pangkultura, mga pasyalang kagaya ng water park, resort o beach, mga travel agency at tour operator, at mga lugar para sa pansariling pangangalaga ng katawan kagaya ng spa, sauna, facial care at waxing salon, barberya, at mga katulad na lugar.

Kahit na bukas na ang mga mall, hindi pinapayagan ang mga tao upang gumala-gala at magtagal sa loob, lalo na sa mga mall sa Metro Manila. Maaari lamang pumunta rito para sa mahahalagang sadya, katulad ng pagbili ng pagkain o gamot. Hindi rin papayagang magbukas ang lahat ng mga establisyimento sa loob at yaon lamang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo at produkto ang puwedeng magbukas. Kabilang dito ang  bookstores, restawran, supermarket, at mga tindahan ng damit at laruan. Sa loob ng mga mall, pinapayuhan din ang lahat na magsuot ng face masks at ipatupad ang physical distancing.

Mahalagang sundin nating lahat ang mga alituntunin sa ilalim ng MECQ upang maiwasan na maibalik na naman tayo sa ECQ.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *