MGCQ POSIBLE SA 2ND QUARTER

POSIBLENG sa second quarter ng taon ay lumuwag na ang umiiral na quarantine status sa bansa.

Ito nabatid kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na magsabing papayag lamang ang Pangulong Duterte na ilagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa kung mababakunahan ng anti- COVID- 19 vaccines ang mas maraming Filipino sa inaasahang pagdating ng mas maraming bakuna sa bansa.

Ayon kay Nograles, na nais lamang matiyak ng Pangulo na magpapatuloy ang pagbabakuna sa bansa para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.

“With more vaccines to come in, the Department of Education may also push through with the pilot face-to-face classes in areas with low cases of coronavirus,” wika ni Nograles.

“The first thing is that he’s (Duterte) very happy with the (vaccination) rollout, with what’s happening in the rollout. He wants to see more happening as a challenge to all of us that he wants expanded rollout,” dagdag pa ni Nograles.

Paliwanag pa ni Nograles na ang pagdating kagabi ng AstraZeneca vaccine sa ilalim ng World Health Organization-COVAX facility ang lalo pang magbibigay ng kumpiyansa sa panig ng Pangulo para sa pagluluwag pa ng kuwarantina sa bansa.

Ayon pa kay Nograles, ang pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na may paparating pa na isang milyong doses ng Sinovac vaccine sa buwang ito ay inaasahang mas marami ang mababakunahan. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *