Misa sa Italya para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Filipinas, pangungunahan ni Pope Francis

Pangungunahan ni Pope Francis ang pagdiriwang ng mga Pinoy sa quincentennial celebration o ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Filipinas.

Ayon sa maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mismong ang Santo Papa ang mangunguna sa isang banal na misa na inaasahang dadaluhan ng Filipino community sa Italya.

Sinabi ni Fr. Ricky Gente, ng Filipino Chaplaincy sa Roma, na idaraos ang banal na misa sa St. Peter’s Basilica ganap na 10:00 ng umaga sa Italya o 5:00 ng hapon sa Maynila, sa Marso 14.

Makakasama rin sa pagdaraos ng banal na misa sina Cardinal Luis Antonio Tagle, ang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples; at Cardinal Angelo De Donatis, na siyang pope’s vicar para sa Rome.

Tanging limitadong tao lamang naman ang papayagang dumalo sa banal na misa sa basilica dahil para sa umiiral na COVID-19 restrictions.

Ang selebrasyon ng banal na misa ay naka-livestream upang mapanood ng mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Join us in Rome to pray, praise and thank God for his gift of the Christian faith,” ayon pa kay Gente.

Matapos ang banal na misa, pangungunahan rin ni Pope Francis ang traditional recitation ng Angelus prayer sa St. Peter’s Square.

“You can also receive blessings from the pope after mass in Vatican Square where he will lead the Angelus prayer at noon,” dagdag pa ni Gente.

Samantala, sinabi naman ni Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, na ang naturang banal na misa ay idaraos sa wikang Italyano, ngunit may ilang awiting Pinoy na gagamitin sa misa.

“Pope Francis’ Mass on March 14 is a gesture of his closeness to us Filipinos. In various moments during his visit to the Philippines in 2015 and in the Simbang Gabi Mass at St. Peter’s in 2019, he has shown his deep appreciation for our life of faith. May we continue the work started 500 years ago of bringing Christ to others in our daily life, starting with our family, in our local community and nation, and even abroad,” ani Gaston, sa panayam sa telebisyon.

Sa Filipinas, inaasahang ilulunsad ng mga diyosesis ang yearlong commemoration sa Abril 4, Easter Sunday. Ana Rosario Hernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *