MIX MARTIAL ART FIGHTER TIKLO SA P2.8 M MARIJUANA

AABOT sa P2.8 milyong halaga ng high-grade marjiuana ang nasamsam sa isang Mix Martial Art (MMA) fighter kasunod ng isinagawang anti-narcotic operation ng Philippine National Police (PNP) sa Cubao ,Quezon City.

Kinilala ang naarestong fighter na si Gary Espinar, residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna matapos na mahulihan ng nasa 1.8 kilo na kush o high grade marijuana sa ikinasang buybust operation.

Si Espinar, 38 anyos ay inaresto sa parking lot ng isang grocery sa Cubao matapos na kumagat sa bitag ng PNP Drug Enforcement Group nang bentahan nito ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nag-ugat umano ang operasyon sa sumbong ng 2 lalaking unang naaresto matapos makuhanan ng higit P270,000 halaga ng high-grade marijuana.

Ayon kay Capt. Ramon Acquiatan, Jr., hepe ng Northern Police District Drug Enforcement Unit, gumagamit ng marijuana ang mga suspek para ma-relax kahit bugbog na sa practice.

Ayon kay PNP Chief P/General Debld Sinas, ang pagkaka-aresto sa MMA fighter ay follow-up sa naunang buy bust operation noong gabi kung saan nakuhanan ang mga suspeks ng 180 grams na Kush marijuana at tinuro na si Espinar ang source ng kanilang iligal na droga.

” The use, sale and distribution of marijuana is highly illegal. I have instructed all units to be extra vigilant and to arrest those who think that they can flood the market with recreational drugs,” ani Gen. Sinas. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *