MIYEMBRO NG MANAMBIT DRUG GROUP MINALAS SA ENGKUWENTRO

drug

LAGUNA – NASAWI ang isa sa umano’y miyembro ng “Manambit Drug Group” matapos magawang manlaban sa mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Lumban Drug Enforcement Unit (DEU) habang aktong isinasagawa ang buy bust operation sa Brgy. Concepcion, bayang ito kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Provincial Information Officer (PIO) Chief, Insp. Jojo Sabeniano, nakilala ang napatay na si Ched Cesaldo, alyas “Ched”, residente ng Brgy. Maytalang, lugar na ito.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagkasa ng buy bust operation ang nasabing operatiba dakong ala-1:30 ng madaling araw habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer ng hindi umano inaasahang mauwi sa engkuwentro.

Doon mismo sa lugar agarang binawian nang buhay ang suspek bunsod ng tinamong ilang tama ng bala sa kanyang katawan samantalang wala naman aniyang iniulat na nasawi o nasugatan sa panig ng awtoridad.

Narekober ng pulisya sa lugar ang kalibre 38 baril na ginamit umano ng suspek sa engkuwentro kabilang ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu.  DICK GARAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *