MIYEMBRO NG PNP-HPG HULI SA DROGA

arestado33

PAMPANGA—NAARESTO ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Mabalacat Police Station ang kanilang kabaro sa ikinasang Anti-Illegal drug operation sa Brgy. Sapang Biabas Mabalacat City ng lalawigang ito.

Kinilala ang naarestong pulis na si Francisco Ganao alyas Francis, 47-anyos, aktibong miyembro ng PNP na kasalukuyang nakatalaga sa Highway Patrol Group Sa Camp Crame Quezon City.

Sa ulat ng Mabalacat Police Station, ikinasa ang buy-bust operation sa main entrance gate ng Metro Clark Subdivision kung saan nahuli ang suspek.

Nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng shabu, P7,500 marked money at cellphone.

Narekober din sa pulis na suspek ang isang caliber .45 na may serial number 90017 na kargado ng anim na live ammunition at isang motorsiklo.

Kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang isinampa sa suspek. REA SARMIENTO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *