MJAS ZENITH TEAM SA PSA FORUM

VisMin Super Cup

ISA sa mga koponan na sasabak sa inaugural Pilipinas VisMin Super Cup at ang newly-founded sports marketing organization na naglalayong makatulong sa pag-unlad ng Philippine sports sa panahong ito ng pandemya ang magiging panauhin sa two-part session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum ngayong Martes.

Tatalakayin ng MJAS Zenith Team, sa pangunguna nina manager Jhon Santos, player Paolo Hubalde, at Puma PH senior manager for sales marketing and operations Michael Aldover ang kanilang kampanya at tiyansa sa nalalapit na regional pro league na magsisimula ngayong summer.

Samantala, magbibigay naman ng detalye ang Goal Diggers PH team nina Robbie De Vera, Simone Jaldon, st Rely San Agustin hinggil sa kanilang mga programa bilang marketing professionals at dating mga atleta na naglalayong iangat ang Philippine sports sa gitna ng mga hamong dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang weekly session na magsisimula sa alas-10 ng umaga ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook  page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *