MMC magpupulong sa martes kung handa na sa MGCQ ang NCR

NAKATAKDANG magsagawa ng pagpupulong ang Metro Manila Council sa Martes (Enero 26) ng gabi upang talakayin kung ang Metro Manila ay puwede nang isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez na siya ring chairman ng MMC ay kinakailangan na naging malaki ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 sa Metro Manila bago ito isailalim sa MGCQ.

“Isa po ‘yan sa pag-uusapan po natin sa meeting by tomorrow night. Titingnan po natin ‘yung ating UK variant na ito if it will affect our metropolis at kung ano ‘yung mga prevention natin na gagawin bago tayo mag-MGCQ,” ayon kay Olivarez.

Sa kasalukuyan ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine hanggang sa Enero 31.

Sinabi pa ni Olivarez na kasama sa pag-uusapan ng MMC ang rekomendasyon sa pagdetermina kung kinakailang na paluwagin ang age restriction.

Ayon pa kay Olivarez, lahat ng mayor sa Metro Manila ay hindi pa rin pabor na paluwagin ang age restriction lalo na at may panibagong variant ng sakit na kumakalat sa Filipinas.

“Halos lahat po kami, hindi po sumasang-ayon in relaxing this age bracketet… Despite of that, humingi pa rin po kami ng recommendation, comment, advice ng ating medical expert katulad ng pediatrics, tinatawag na mga consultant at doon po sa kanilang ibinigay ‘di po talaga advisable na ibaba po ‘yung ating age bracket,” dagdag pahayag ni Olivarez. Marivic Fernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *