MMDA NAG-CLEARING OPS SA PQUE

Memel Rojas

NAGSAGAWA ang Special Task Force Operation at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng clearing operation sa kahabaan ng service road sa Roxas Boulevard sa harap ng simbahan ng Baclaran sa lungsod ng Paranaque.

Nadatnan pa ng mga tauhan ng MMDA ang mga naka-illegal park na mga motorista sa harap ng simbahan kung saan agad inisyuhan ng ticket.

Ayon kay Ret.Col. Memel Rojas, head ng Special Task Force Operation ng MMDA mahigpit na ipinagbabawal ang pagpaparada sa harap ng simbahan.

Nabuko ni Rojas na may mga barker na illegal na nagpapaparada sa mga motorista sa harap ng simbahan at naniningil ng parking fee.

Pero nawalang parang bula ang mga barker  nang malaman darating ang mga tauhan ng naturang ahensya.

Umapela si Rojas sa mga motorista na kapag magsisimba sila ay maghanap ng mga legal na paradahan para hindi matikitan ng halagang P2k sa unattended sa illegal parking.

Sa kabila nito, naawa pa rin si Rojas sa mga deboto na nagsisimba paglabas nila ay may tiket na sila paglabag sa illegal parking subalit wala  siyang magagawa kundi ipatupad ang naaayon sa batas. LIZA SORIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *