(Mula sa Moderna) 20-M DOSES NG COVID-19 VACCINE MAKUKUHA NG PH

Carlito Galvez

MAKAKAKUHA na ang bansa ng 20 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna ng Estados Unidos.

Ito ang kinumpirma ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa pagdinig ng House Committee on Health matapos siyang bigyan ng go signal ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel ‘Babe’ Romualdez para ianunsiyo ang balita.

Aniya, mula sa 20 million doses ay 10 million dito ang nakalaan na para sa pribadong sektor habang ang natitira pang 10 milyong doses ay sa gobyerno.

Ang milyong doses na ito mula sa Moderna ay sa ilalim na rin ng tripartite agreement ng kompanya sa private sector.

Sa kalagitnaan pa ng taong 2021 ang target delivery ng Moderna COVID-19 vaccine sa bansa.

Isa ang Moderna sa pitong mga kompanyang nasa final stages na ng pakikipagnegosasyon sa gobyerno para sa supply ng COVID-19 vaccines.

Bukod sa Moderna ay lumagda na rin ng term sheets sa iba pang kumpanya kung saan nakapag-secure ang bansa ng 30 million doses sa Novavax, 17 million doses naman sa AstraZeneca, at 25 million doses naman sa Sinovac. CONDE BATAC

ANTI-COVID  DADAAN SA TAMANG PROCEDURE

TINIYAK ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na daraan sa tamang procedure at mabusising pagsisiyasat ang mga anti-COVID 19 vaccines bago gamitin sa massive immunization program ng pamahalaan.

Sinabi ng kalihim na daraan sa eksaminasyon at kailangang aprubado ng mga eksperto batay sa standard ng iba bansa para matiyak ang kaligtasan nito.

“All vaccines the government is set to procure for its Covid-19 immunization program will be thoroughly vetted and examined before they are approved for use in the Philippines, using standards adopted in other countries,” ito ang pagtiyak ni Nograles sa isang panayam sa kanya ng isang tv network na may kaugnayan sa pagbibigay ng Emergency Use Authorization (EUA) sa pharmaceutical companies  na lumikha ng Covid-19 vaccines.

Dagdag pa ni Nograles,  bago makuha ang approval ng Food and Drug Administation (FDA) ay mayroon ding Vaccine Expert Panel (DOST-VEP)  na mag-aaral sa lahat ng data.

Kasama rin sa magiging basehan ng pamahalaan para aprubahan ang bakuna ay ang clinical trial data mula sa ibang bansa na naunang gumamit ng bakuna.

Una nang nilinaw ng mga Malacanang official na ang lahat ng COVID-19 vaccines ay daraan sa Vaccine Expert Panel, sa FDA at aaralin ang lahat ng clinical studies at kapag napatunayang ligtas saka gagamitin sa pagbakuna.

Sa record, nabigyan na ng EUA ang Pfizer, at AstraZeneca habang nag-a-apply pa ang Sinovac at Gamaleya. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *