MURANG GULAY, PRUTAS ILALAKO NG DA

Gulay at Prutas

INATASAN na ni Agriculture Secretary William Dar ang mga opisyales ng DA-National Capital Region (NCR) na tukuyin at maglaan ng kanilang mga lugar para pagtayuan ng “Kadiwa ni Ani at Kita” stalls upang makabili ang publiko ng mas murang produktong agrikultural gaya ng prutas at gulay.

Napag-alamang ang Kadiwa o kilala sa tawag na “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masanang Ani at Mataas na Kita”, ay isang marketing strategy ng DA na magbibigay daan upang dikertang makabili ang mga food producers sa  consumers sa mas murang halaga.

Hinihikayat din ng DA chief ang lahat ng local government units na patuloy na suportahan  ang Kadiwa services upang makatulong sa pagtiyak ng food supply sa Metro Manila sa gitna ng nararanasang krisis dulot ng Covid-19 outbreak.

Nabatid na ngayong   nasa ilalim ng enhanced community quarantine, patuloy na pinakikinabangan ng mga residente ng Cainta, Rizal ang Kadiwa food market kung saan limang major farmers’ groups ang nakiisa sa pagdadala ng mga prutas at gulay at iba pang agri na ibinebenta sa mas murang halaga.

Kabilang sa farmers grouo na nakilahok ay ang Baguio’s Hola Green, Batangas Organic and Natural Farming Association, CamSur-based Agripreneur Farmers and Producers Association, at ang Mama Agnes of Bataan na lumahok sa 2-day food event kamakalawa.

Ilan naman sa mga lokal na pamahalaan na naunang nagpakita ng interes ay ang mga siyudad ng Quezon City, Pasig, Manila, Pasay, and Taguig.

May itatalaga namang lugar na posibleng gawing “Bagsakan” drop-off point/s kung saan maaaring dalhin ng mga supplier ang kanilang mga dadalhing produkto para sa mga pangangailangan ng mga LGU para naman sa kanilang relief operations.

Sa kasalukuyan, mayroong 66 Kadiwa sites ang mabubuksan sa buong bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *