NA-REPATRIATE NA PINOY SA ABROAD, 29, 351 NA

DFA

UMABOT na sa 29,351 overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing bilang ay naitala hanggang Mayo 23.

Sa nasabing bilang ay 19,610 o 66.8 porsiyento ang sea-based habang 9,741 o 33.2 porsiyento ang land-based. Kabilang dito  ang pagdating ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Saudi Arabia, Sabado ng umaga, Mayo 23.

Nag-abiso naman ang DFA sa mga Pinoy na gustong  makauwi ng Filipinas  na ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Base sa  Department of Health (DOH) Memo 2020-0200, lahat ng pabalik na Pinoy sa abroad ay kailangang sumailalim sa pagsusuri at mandatory quarantine sa government-designated facilities habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.

Ilang cruise ship na nakadaong sa Manila Bay ang may lulan pang libo-libong seafarer na hindi makababa dahil hinihintay pa ang resulta ng kanilang COVID-19 tests.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *